Maagang nagising kahit akoy pagod;
Ang mga kasamay himbing pa ang tulog
Akoy nagbangon nat saka naghilamos!
Magmula sa hotel naming tinuluyan
Ako ay nagtungo sa dalampasigan
Sa puting-buhanging di inaalunan
Akoy nag-ersisyo na nag-iisa lang!
At saka nag-jogging sa puting buhangin
Sa saliw ng alon at dampi ng hangin;
Dalwang kilometro ang aking na-jogging
Tapos ay huminto at naglakad na rin!
Habang tumataas araw sa silangan
Naging maliwanag ang kapaligiran;
Sa harap ng dagat ay may binitiwang -
Taimtim na dasal : Pampamilyat bayan!
Sa maalong dagat na aking kaharap,
Ay idinalangin kong maalis sa hirap
Mga Pilipinong hindi makaalpas
Sa kuko ng mga taong asal-hudas!
Idinalangin ko rin ang aking pamilya
Na sanay ganito na laging masaya;
Ang mga anak koy pawang kumikita
At ang mga apoy nangag-aaral na!
Ang asul na dagat tubig na kay linaw
Kinakausap ko sa bawat paggalaw
Ng katawat pang lagi nang karamay
Sa mga pagkatha ng tulang may buhay!
Salamat salamat sa Diyos at dagat
Sa oras na iyon ay aking kaharap;
Dagat huwag ka sanang lumakit umakyat
At maging tsunami sa aming magdamag!