Sa halip na maipamahagi ito sa mga taong nararapat na magkamit nito, napupunta ito sa mga mapagsamantala nating kababayan sa kadahilanang walang sapat na kaalaman ang mga pobreng mas may karapatan dito.
Kasama na rin sa mga dahilan kung bakit hindi nakakamit ng mga maliliit nating mga kababayan ang mga lupang dapat na mapunta sa kanila ay sa kadahilanang baluktot ang proseso ng pagkakaloob ng mga nasabing lupa.
Pero ang mas masakit dito ay ang pakikipagsabwatan ng ilang mga pulitiko at ilang kawani ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga land grabbers na kung saan ay sila ang mismong nagiging padrino upang maiproseso ang mga papeles.
Ito ang dahilan kung bakit malalakas ang loob ng mga mapagsamantalang ito na kamkamin ang mga lupang dapat na mapasakamay ng mga maliliit na magsasaka dahil sila ang naghihirap na bungkalin ito upang mapakinabangan.
Kayat labag man sa kanilang kalooban, wala silang magawa kundi ang manahimik na lamang o kaya ay patuloy na umasa na mapapasakanila ang lupang pinaghirapan nila sa loob ng mahabang panahon.
May ganitong kaso ng natrabaho ang BITAG, kayat ang problemang ito ay hindi na bago sa amin, alam na
namin kung sino ang mga nasa likod ng mga ganitong modus ng panlalamang sa mga taong maliliit.
Nasampulan na namin ang mga gumagawa nito sa parteng norte, kaya alam na namin ang gagawing hakbang upang matuldukan ang ginagawa ninyo. Sisiguruhin namin na mahuhulog din kayo sa aming patibong.