Noong October 11, 1993 mula nang mailipat ni Vicente ang sakahan kay Nardo at mapunta kay Nick, naghain si Vicente ng isang reklamo sa Regional Trial Court laban kina Nardo at Nick ng annulment of the deeds of sale na kanyang isinagawa sa pagitan nila ni Nardo at sa deed of sale sa pagitan nina Nardo at Nick. Ayon kay Vicente, ang transaksiyon nila ni Nardo sa nasabing lupang sakahan ay isang kontrata ng paupa at hindi isang seed of sale. Iginiit din niya na kahit isa itong pagbebenta, ang nasabing deed at ang sumunod na pagbebenta kay Nick ay walang bisa dahil na rin sa paglabag sa itinakdang limang ektarya ng R.A. 6657 o Comprehensive Agrarian Law. Tama ba si Vicente?
MALI. Ipagpalagay man na ang pagbibili ni Vicente ay labag sa (R.A. 6657), wala pa rin siyang magiging remedyo sa batas dahil sila ni Nardo ay kapwa may kasalanan o in pari delicto, ayon na rin sa prinsipyong sinumang humihingi ng katarungan ay kinakailangang dumulog sa hukuman ng may malinis na kamay. Sa katunayan, sa isang ilegal na kasunduan, walang aksyon na maaaring maihain, walang naipagbiling ari-arian ang mababawi o perang naibayad na o kaya ay danyos sa nagawang pagkakamali.
Ang prinsipyong pari delicto ay ayon sa dala-wang batayan: Una, mamagitan ang hukuman sa mga partidong kapwa ay may kasalanan; ikalawa, ang pagkakait ng hustiya sa partidong umaming nagkamali ay isang epektibong pagpigil ng ilegalidad.
Samakatuwid, magsisilbi itong parusa at pagpigil sa ilegal na kasunduan kung kaya hahayaan na lamang ng hukuman ang mga partido sa kanilang kasalukuyang kondisyon (Acabal vs. Acabal G.R. 148376, March 31, 2005).