Sa dami at ibat-ibang uri ng mga sasakyan sa ating lansangan, ibayong peligro o panganib ang sinusuong kapwa ng mga motorista at ng mga mamamayang gumagamit ng mga lansangan at mga biyaherong sumasakay lalo na sa mga pampublikong sasakyan. Samakatuwid, kailangang ibayong pag-iingat din ang dapat gawin ng lahat ng taong gumagamit ng ating mga lansangan.
Anong uri ng mga pag-iingat ang maaaring gawin sa ating mga lansangan? Una, ang mga taoy di dapat tumawid sa kung saan-saang panig lamang ng lansangan. Kailangang maipatupad nang husto ang pagtawid sa tamang tawiran, gaya ng mga pedestrian lanes at mga overpass o di-kayay underpass. Ang mga nagmamaneho ng sasakyan ay dapat tunay na lisensiyadong magmaneho ibig sabihin, alam nila ang mga batas trapiko, alam nila kung ano ang tamang bilis o bagal ng pagpapatakbo ng sasakyan sa ibat ibang uri ng lansangan. Alam nila kung paanong tumugon sa posibleng emergency na maaaring maganap sa lansangan. Sila rin ay hindi dapat nakainom o lasing o di-kayay nakainom ng gamot na maaaring makapaglagay sa kanila sa sitwasyong hindi sila magiging alisto sa anumang kahihinat- nan sa lansangan. Higit sa lahat, ang mga nagmamaneho ng sasakyan, mapapubliko man o pribado, lalo na kung may lulan silang pasahero, ay dapat may pagpapaha-laga sa buhay hindi lamang sa kanilang buhay, kundi sa buhay rin ng kanilang mga pasahero.