Bilib ako sa ideyang ito sapagkat ito ang kailangan ngayon sapagkat pawang pulitika na lamang ang pinagkakaabalahan. Nakakalimutan na ang iba pang bagay na maaaring makapaghilom sa mga sugat na dulot ng pagkakaiba ng paniniwala sa pulitika.
Kung hindi napasok pa si FJP sa pulitika hindi sana siya nasabak pa sa maruruming taktika ng pulitika na matagal na ring panahon niyang iniwas-iwasan. Siguro nga ay dumating na rin sa kanya ang panawagan na magsakripisyo.
Tiniis ni FPJ ang hirap ng pangangampanya at mga sakit ng kalooban dahil sa mga paratang at paninirang-puri. Ang masakit ay hindi pa naging maganda ang pinagtapusan ng kanyang paghihirap. Natalo si FPJ sa pagka-pangulo. Hanggang sa siya ay bawian ng buhay.
Karapat-dapat ang pagkakapili kay FPJ bilang National Artist for Films. Para sa akin, magandang hakbang ito para kay GMA. Malaki ang maitutulong sa hindi magandang karanasan nuong nakaraang eleksyon. Baka ito ang maging dahilan ng pagsasarado sa usaping pulitikal.