Ipinaalaala sa atin ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Filipos (na Ikalawang Pagbasa sa liturhiya ngayon) kung ano ang papel na ginampanan ni Jesus (Fil. 2:6-11).
Na bagamat siyay Diyos, hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos, bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin. Nang maging tao, siyay nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus. Kaya naman, siyay itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. Anupat ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa kanya at ipapahayag ng lahat na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikararangal ng Diyos Ama.
Ang buong linggong ito ay magtatapos sa tinatawag na "Sabado de Gloria" ang matamang pag-aabang sa pagkabuhay na muli ni Jesus. Sanay sa buong linggong ito, tunay na madama natin ang mga biyayat pagpapala ng Panginoon, ang dakilang pagmamahal ng Ama para sa ating lahat, ang walang-hanggang pagmamahal ni Jesus sa Ama at sa ating lahat sa pamamagitan ng pag-aalay niya ng kanyang sarili sa krus.