Sa totoo lang, kahit maibasura ang cha-cha, isang bagay ang nasisiguro ko: President Arroyo will fight tooth and nail para matapos ang kanyang termino hanggang 2010. Narinig na natin siyang magsalita sa maraming okasyon. That she won the elections "fair and square". Dahil diyan may tungkulin daw siya sa mga taumbayan na bumoto sa kanya na buuin ang kanyang anim na taong mandato.
Si Presidential political adviser Gabby Claudio ang nagsabi na "malisyoso" ang paratang ng mga Senador na gusto ng Pangulo na maamyendahan agad ang Konstitusyon para mapalawig ang kanyang panunungkulan. Sabi ni Claudio, may mandato ang Pangulo na tapusin ang kanyang termino hanggang 2010. Ang problema nga lang, iba ang paniniwala ng oposisyon. Nandaya daw ang Pangulo kaya siyay hindi lehitimong Pangulo na dapat patalsikin.
Naririyan ang point of conflict. Kaya mag-initiate man ng peoples initiative ang taumbayan, kahit lehitimo ito, tiyak may hahadlang at magkukuwestyon. Naririyan ang oposisyon na kukuwestyon sa mga lagdang iyan. At maibasura man ang cha-cha, Im sure hahanap sila ng ibang isyu para tuluyang masipa from Malacañang ang Pangulo. Suma total, habang naririyan ang Pangulo, tiyak bubulabugin ang bansa ng mga political struggles para siya mapatalsik. Tingin ko, kung kawawa man ang Pangulo sa kanyang kalagayan, higit na kawawa ang mga maliliit na mamamayan.