Happy 20th Anniversary PSN!

KAHAPON nagdiwang ng ika-20 anibersaryo ang Pilipino Star NGAYON nang ilunsad ang pahayagang ito.

Ang nagtatag ng Pilipino Star NGAYON (dating Ang Pilipino Star Ngayon) ay ang matalik kong kaibigan, ang yumaong Mrs. Betty Go-Belmonte, maybahay ng kasalukuyang Quezon City Mayor Sonny Belmonte at ina ng Presidente ngayon ng PSN na si Miguel G. Belmonte.

Maprinsipyong tao ang mahal kong si Betty na sa maraming pagkakataon ay nakasama ko sa hindi na mabilang na socio-civic projects. Malaki ang puso niya sa mahihirap, mga may sakit at ito’y personal na napatunayan sa maraming outreach programs na ginawa namin kasama si TV-Film Director Willie Schneider.

Natatandaan ko na mga nakasabayan kong mag- sulat sa PSN ay sina Fr. Jose C. Blanco, S.J. Alice Reyes, Sen. Juan Flavier at Atty. Jose C. Sison. Dalawampung taon na ang PSN at hangad ko ang maraming taon ng paglilingkod sa sambayanang Pilipino.

Show comments