Sinabi ng mababang hukuman na balido ang pagkalipat ng pag-aari ng lupa ni Don Julio sa JLT sa pamamagitan ng supplemental deed kaya idinismis nito ang kaso. Ngunit ayon naman sa Court of Appeals (CA) hindi raw balido ang supplemental deed dahil itoy may preterisyon o ang pagkaligta sa isa, ilan o lahat ng mga sapilitang tagapagmana sa pangalawang asawa ni Don Julio. Tama ba ang CA?
MALI. Sa kasong ito, wala pang ginawang huling habilin o testamento si Don Julio. Ang CA na inaprubahan ng Korte ay isang partisyong "inter vivos" (sa pagitan ng mga buhay na partido) habang nabubuhay pa si Don Julio. Itoy inaayunan ng batas sapagkat hindi nito pinipinsala ang karapatan ng mga taga-pagmana ni Don Julio. Maliban sa lot 63 marami pang mamanahin sina Mila at mga anak nito kay Don Julio. Ngunit itoy tanging pag-asa lamang sapagkat si Don Julio pa rin ang nananatiling may-ari ng lote 63 at siya lamang ang may karapatang dispatsahin ito habang siyay buhay pa. Hindi maaaring kuwestiyunin ni Mila at ng kanyang mga anak ang karapatan at desisyon ni Don Julio kahit pa ang nasabing lote ay mamanahin nila ayon sa compromise agreement.
Sa kasong ito, pinawalang bisa rin ang lot 63 (TCT No. T-375) na inisyu sa JLT hindi dahil ang pagkakapalit dito ay hindi sa pamamagitan ng supplemental deed, kundi sa pamamagitan ng pagpapalit sa OCT 5203 na rehistrado pa rin sa Register of Deeds at reconstitution lamang ang maaring gawin dito. Hindi ito dapat palitan. (JLT Agro Inc., vs. Balansag, G.R. 141882, March 11, 1005. 453 SCRA 211).