Ilalagay sa watchlist ng Bureau of Immigration sina Triple H, isang kasama nito at ang bodyguard na si Bryan Knight dahil sa kanilang kabastusan.
Kinukunan ng video footage ni Raoul ang mga wrestlers habang bumababa sa escalator pero dehins nila ito nagustuhan. Pinagbawalan si Raoul pero dehins tumigil sa pagkuha ng video dahil legitimate story ang sa kanya.
Iyong kamoteng si Barry Knight ang nagsabi kay Raoul ng brown monkey at f**cking idiot, samantalang si Triple H naman ay nag-dirty finger. Sabi nga, alaws puwang todits ang mga bastos na dayuhan.
Limang airport reporters ang nakasaksi sa pangyayari. Sina Jerry Yap, director ng National Press Club at Prez ng NAIA Press Corps, ang Chief Kuwago ng ORA MISMO, Edwin Alcala ng Hataw, Rudy Gen- teroy ng Peoples Journal at Rudy Santos ng Philippine Star.
Pero naglabasan ang negatibong story versus Raoul kinabukasan. Sabi ng ilang salsalero ng story, si Raoul daw ang pasaway. Paano sila nakagawa ng story samantalang alaws naman sila sa scene? Sabi nga, story telling lie ang nangyari.
Hindi raw si Raoul ang pinagmulan ng gulo dahil paano niya duduruin ang mga ga-higanteng wrestler. Ika nga, para siyang kumuha ng bato na ipinukpok sa kanyang ulo.
Minabuti ni Raoul na sulatan ang BI upang hilingin na i-black list ang mga kamoteng wrestler upang hindi na muling makapambastos dito. Alaws naman daw problema, sabi ni Raoul kung duruin siya.
Ang hindi lang niya matanggap ay murahin siya at sabihan ng kung anu-ano. Dignity ng Noypi ang pinag-uusapan at kahit kailan ay hindi siya papayag na yurakan ang kanyang pagka-Pinoy lalo na ng isang foreigner.
Tama lang ang ginawa ng BI na ilagay sila sa blacklist ang tatlong itlog, este mali, wrestlers pala para dehins na sila makaapak sa Pinas, sabi ng kuwagong bulag na miron.
Doon na lang sila sa US of A at magtanim ng kamote, sabat ng kuwagong haliparot sa kabaret.
Sa ginawa ng BI, vindicated si Raoul sa negative news stories na naglabasan sa diyaryo, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Korek ka diyan kamote.