Ang fasting ay singkahulugan ng ibayong pagpapakumbaba o self-humiliation. Halaw sa salitang Hebreo na taanit na ang ibig sabihin ay pagpapakaaba sa sinasabayan ng hindi pagkain at pag-inom, pagsusuot ng damit na sako, pagpapahid ng abo sa ulo at pag-iyak sabay lalahaw sa mga relihiyosong seremonya. Ang pag-aayuno ay sumisimbolo rin sa paghingi ng tawad sa Diyos at taus-pusong pagsisisi sa mga nagawang kasalanan.
Maging si Jesus ay nag-ayuno rin sa loob ng 40 araw at gabi bago Niya sinimulan ang kanyang public ministry. Sa loob ng panahong iyon ay tinukso Siya ng diyablo subalit itinaboy siya ni Jesus na nagwika na ang tao ay hindi lang sa tinapay nabubuhay at hindi dapat na pangunahan ninuman at walang dapat sasabihin kundi ang Diyos na makapangyarihan sa lahat.