Ang mga stockholders, kasama na ang Philippine Communications Satellite Corp. (PHILCOMSAT) na nagmamay-ari ng 81 porsyento ng PHC ay nagpetisyon na para sa pagdaraos ng pulong na dapat ganapin taun-taon alinsunod sa charter ng korporasyon.
Kamakailan lang ay inatasan na ng Makati Regional Trial Court ang Philcomsat at PHC na magsumite ng position paper tungkol sa implikasyon ng 2005 Supreme Court decision sa kasong isinampa ng Philcomsat laban sa PHC executives sa pamumuno ni Nieto bilang Pangulo at Enrique Locsin bilang chairman.
Sa manifestation na iniharap sa Makati RTC, hiningi sa Korte ng Philcomsat na pawalang bisa ang eleksyon ng PHC directors dahil ang stockholders meeting noong Agosto 31, 2004 ay walang quorum ng simple majority ng mga stockholders.
Ayon sa Philcomsat, ang SC decision noong Hunyo 15, 2005, na naging pinal sa resolusyong may petsa Sept. 7, 2005, ay nagpawalang bisa sa pulong ng PHC stockholders na inorganisa ng grupo ni Nieto.
Ipinagmamatigas ng Nieto group na may quorum sa kanilang pulong dahil dinaluhan daw ng mga korporasyong IRC at Mid-Pasig Land Development Corp. Pero ayon sa Korte Suprema, ang mga naturang korporasyon ay "hindi na stockholders ng POTC at Philcomsat noon pang Enero 10, 2000 nang ang mga shares ng mga ito ay kinansela at pinawalang bisa." Kasi may mga bagong stock certifi-cates na inisyu sa pangalan ng Republika ng Pilipinas (35 porsyento stake sa dalawang kompanya) at 5 porsyento sa negosyanteng si Potenciano Ilusorio.
Base sa ganyang ruling ng Korte, maliwanag na walang quorum at ang naturang eleksyon at meeting noong 2004 ay hindi balido.