Tagapagtanggol ng Skyline Placement Agency, buong tapang na nagpakilala sa BITAG!

AROGANTE at buong tapang na kinaladkad ng nagpakilalang si Portia Ilagan ang opisina ng kanyang bossing na si Senator Bong Revilla ng tumawag sa BITAG.

Director I raw siya ng nasabing senador at gusto raw akong makausap ng kanyang tiyahin na si Dioscorra Abdulwahab na may-ari ng kontrobersiyal na Skyline Agency.

Eto ‘yung agency na may nagpaalis ng mga OFW papuntang Syria pero pagdating doo’y impiyerno ang kinahinatnan ng mga biktima.

Ang lakas ng loob ni Portia na tumawag sa amin at ipahatid ang kanyang personal na mensahe gamit ang opisina ni Sen. Bong Revilla.

Ipinagpipilitan pa nito na mali raw ang sistema ng BITAG nang ipalabas namin ang segment na nagpaalingasaw sa baho ng Skyline Agency.

Ayan tuloy, nakausap na namin si Senator Revilla! At sa senador mismo nanggaling na "paiimbestigahan" niya ang tungkol sa bagay na’to dahil hindi kinukunsinti ng kanyang opisina ang kalakaran ng human trafficking.

Siguro’y dahil sa pinagtatanggol ni Portia ang Skyline Agency na sangkot sa Illegal Recruitment, Human Smuggling, at Human Trafficking.

Kung sistema mo na kaladkarin ang pangalan ni Sen. Revilla para lamang masindak ang BITAG, nagkakamali ka dahil wala sa bokabularyo namin ang salitang sindak!

Hindi ko estilo na makikipagkita sa labas para lang kausapin ang iyong pinuprotektahang tiyahin. Dalawang lugar lang tayo pwedeng magharap, sa UNTV kung saan ineere ang Bahala si Tulfo at sa BITAG Headquarters.

Hindi ako nakikipagtransaksiyon sa sinumang may kina- laman sa bawat isyung tinatrabaho namin ng walang CAMERA!

Dahil nasa panig kami ng katotohanan, kaya dokumentado ang lahat ng aming aktibidades.

Ituloy mo lang ang paghihimutok o pagtatanggol mo sa iyong tiyahin na may-ari ng Skyline Agency na sangkot sa kasong human trafficking.

At itutuloy din ng Bahala si Tulfo at BITAG ang pagtutok para siguruhing may kalalagyan ang mapapatunayang may kasalanan sa kasong ito!
* * *
Hotline numbers, i-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Panoorin Bahala si Tulfo, 9:00-10:30 a.m. UNTV, 9:00-10:00 a.m. DZME 1530 kHz.

Show comments