Tiniyak nina Al at Angel ang seguridad sa paliparan kahit alam nilang maraming sasalubong kay Manny siyempre kasama todits ang mediamen na kokober sa boxing hero.
Gusto ni Angel, na magkaroon ng proper briefing regarding sa coverage ng mga reporters, photographers at television para hindi maging chopsuey ang lahat sa oras na lumabas sa aircraft si Manny.
Grabe kasi ang media coverage kapag may mga sikat na taong dumarating sa paliparan dahil gusto ng mga kabaro natin na makakuha ng magandang anggulo para sa kani-kanilang peryodiko at telebisyon. Siksikan, tulakan ang nangyayari sa paliparan lahat gustong makakuha ng beautiful angle.
Pero ang problema ay sinasapawan naman sila ng mga overacting na security na nakatalaga sa mga taong dumarating ng paliparan. Dapat pagsilbihan din nina Al at Angel ang grupo ng Industrial Security Guards na huwag maging OA dahil wala naman panganib sa loob ng airport kaya dapat pagbigyan nila ang mediamen na nagpapakamatay para makakuha ng magandang anggulo ng litrato at siyempre with matching beautiful stories.
Karamihan kasi sa mga Industrial Security Guards naka-assigned sa mga ganitong klaseng pagtitipon ay nagiging barumbado dahil gusto nila sila ang makunan ng magandang anggulo sa litrato at telebisyon para makita ng mga kapitbahay nila ang kanilang mga porma during the coverage. Sabi nga, artista ang dating!
Nagbabala si Al at Angel sa mga Industrial Security Guards na huwag masyadong maghigpit sa mediamen pagdating ni Manny sa Manila.
Bakit ba gustong makigulo ng Industrial Security Guards sa coverage ng media? tanong ng kuwagong hindi pa nako-kodakan.
Siyempre gusto nilang magkaroon ng souvenir sa diyaryo at telebisyon, sagot ng kuwagong impakto.
Ano ang dapat nilang gawin? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Huwag na silang makigulo pa kamote.