Sa tingin ko, graft and corruption talaga ang pinakamalaking problema natin, dahil kahit palitan pa natin ang Constitution, natitiyak kong hindi pa rin tayo magiging maunlad, dahil ang pera ng bayan na dapat mapunta sa kaunlaran ng bayan ay mahihigop pa rin ng graft and corruption.
Hindi ba dapat lamang na unahin natin ang pag-sugpo ng graft and corruption sa halip na bigyan kaagad natin ng importansiya ang pagpalit ng Constitution? Ang hindi ko gusto sa usapang ito, ay para bang iniisip ng ating mga lider na kapag nag-palit tayo ng ating Constitution ay mawawala na rin ang ating mga problema, at kasama na diyan ang graft and corruption.
Ganoon pa man, kahit sinasabi ko na dapat unahin ang paglutas ng problema ng graft and corruption, parang nakikita ko na hindi na rin mapipigil ang pagpunta natin sa parliamentary system, kaya mas mabuti pa na paghandaan natin yan at tiyakin talaga natin na sa bagong sistema, ay mawawala na rin ang graft and corruption.
Wala naman akong pinatatamaan, ngunit sa tingin ko, malaki ang mababawas sa graft and corruption kung ang ating mga lider, mula sa local hangang sa national level ang unang magpakita ng halimbawa. Natural lamang na sabihin natin na ang mga kawani ng gobyerno, kahit ang mga ordinary citizens ay baka ma-discourage na rin na maging corrupt kung makikita nila na tuwid ang pamunuan.
Bilang tugon sa problema ng corruption, mahalaga na sa bagong parliamentary system, ang dapat mahalal ay ang mga taong tuwid, at kung maaari pa nga, ay mawala na sa picture ang tradpol.