Ito namang si Colonel Daquil, hindi bat napakalinaw at very specific naman ang kanyang binunyag? Ano naman ang masama doon sa sinabi nya? Lalo na kung totoo naman ang kanyang sinabi? At bakit ihaharap pa daw sya sa court martial dahil daw nagsalita siya sa labas ng military organization? Katulad din yan ng nangyari sa Oakwood, hindi ba sinabi nila na umabot sila sa ganoon dahil hindi naman daw sila pinakinggan sa loob?
Sinabi ni Colonel Daquil na ang mga heneral daw ay may illegal allowance na P45,000 each. Hindi ba madali lang naman malaman kung totoo yan o hindi? Hindi bat may sarili namang Ombudsman ang military kaya dapat ay noon pa yan nakita? Baka naman ang Ombudsman nila ay may allowance din kaya matahimik?
Kung totoo ang sinasabi ni Colonel Daquil, lumalabas na na-traidor ng mga heneral ang sarili nilang mga tauhan, dahil supposed to be pare-pareho lang naman silang umaasa sa suweldo. Of course di maiwasan na may mga special privilege talaga ang mga officers, ngunit sobra namang unfair kung napakalaki ang extra allowance ng mga heneral, samantalang parehong panganib naman ang kanilang hinaharap. Pambihira ang katapangan na ipinakita nina Trillanes, Faeldon at Gudani, ngunit sa pagkakaalam ko, hindi naman bihira ang kanilang uri sa military, dahil marami pang katulad nila ang naghihintay ng tamang panahon upang lumantad.