Sa ganitong paniwala tayoy nananangan;
Kaya ang pag-asa nitong sambayanan
Laging nasa puso kahit noon pa man!
Ang pag-asang itoy siyang bumubuhay
Sa maraming bigot kawawa ang buhay;
Itoy pag-asa ring hindi nawawalay
Sa sagad sa dusat ang diway lupaypay!
Katulad ng ngayoy ating nadarama
Saanman itudla ang ilaw ng mata;
Ang mga pulubiy lalo pang salanta
Pagkat ang mayamay ayaw kumalinga!
Marami ring bigong mga negosyante
Hangad na progresoy naiwan sa tabi;
Kahit anong gawin sa pagdidiskarte
Waldas ang puhunan - nababankarote!
At lalong maraming mga pulitiko
Hindi rin makamit hangad na asenso;
Siya ay matapat maglingkod sa tao
Pero itong bansay di rin nagbabago!
Sa mga tahanan ang ama at ina
Nagsisikap namay sawi ring talaga;
Sa araw at gabi pati sa umaga
Silay walang tigil di sapat ang kita!
Kaya nga maraming tuwing Bagong Taon
Pawang umaasang sasagana ngayon;
Ang masamang swerte na sinapit noon
Ngayoy gaganda na at silay susulong!
Kayat Bagong Taon ay isang simbulo
Di dapat mawala pag-asa ng tao;
Kung walang pag-asa mabubuhay tayo
Na walang ginhawang hangarin sa mundo!