Sa Lucena City, namamayagpag ngayon ang jueteng hindi ito biro dahil tatlong beses ang dayaan bolahan todits.
Naka-tiembre kasi ang jueteng sa mga bugok na miembro ng PNP, mga burungoy echetera.
Alam kaya ni Lucena City Mayor Ramon Talaga Jr., na laganap ang dayaan bolahan sa kanyang lugar?
Talaga kayang hindi niya alam?
Balik ang operasyon ng Super Quick sa Lucena City at million of pesos ang kubransa.
Ika nga, back to normal na naman todits!
Lucena Mayor Ramon Talaga Jr., talaga bang hindi mo alam na normal na muli ang botak ng jueteng sa lugar mo?
Sana ipatigil mo ito oras na talagang nalaman mo may dayaan bolahan diyan.
Baka kasi magtaray na naman si Prez Gloria Macapagal-Arroyo sa isyung ito.
Ang new years resolution pa naman ngayon ni Prez Gloria dear Mayor ay dehins na siya magtataray ulit.
Sana huwag kang mapagalitan Mayor Talaga dahil kung talagang hindi mo alam ito aksyonan muna before its too late, Your Honor!
Ang peryahan sa Metro-Manila ang ipinalit ng mga bugok sa jueteng dahil alaws delihensiya ang mga lespu at burungoy ngayon kapaskuhan.
Baka kasi mag-alsa balutan ang mga lespu at burungoy kung alaws silang pang-aguinaldo sa kanilang family.
Ang masama lang sa sugalan sa peryahan ay dehins kinokontrol ng mga bugok ang mga batang tumataya sa number at colored games sa kanilang jurisdiction.
Basta may pang taya mapa-bata o matanda, may baktol o wala, guwapo o pangit, may ngipin o bungal, naliligo o hindi, unano o matangkad kahit bulag, pipi o bingi basta may atik para tumaya presto sa mga lespu at burungoy na patong.
Para sa mga bugok na lespu at burungoy alaws silang pakialam kahit saan galing ang pang-taya ng mga sugarol ang importante ay kumita ang bangka sa peryahan para lumaki ang kanilang komisyon.
Hindi biro ang pitsang pang-tiembre para magpa-sugal sa peryahan libu-libo ito kaya naman ang mga taga-station ng lespu ay nabo-bundat sa ngayon.
Sana ipatigil at ipabaklas ang mga sugalan sa peryahan sa lalong madaling-panahon.
Baka pati mga Mayors sa mga lugar na may sugalan ang peryahan ay kumikita todits kaya hindi nila ito ipinatitigil? anang kuwagong adik.
Kawawa naman ang mga bata pambili ng candy naitataya pa asar na sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Sa Manila notorious ang sugalan dito? sabi ng kuwagong Kotong cop.
Pagbigyan muna kamote malapit ng matapos ang taon para naman maging happy ang lahat.
Kaya nga nagkaka-hetot-hetot ang gobyerno natin dahil may mga gagong kunsintidor.
Ano sa palagay mo iligpit kaya ang sugalan sa peryahan?
Ang jueteng sa Lucena City papaano ba?
Iyan kamote ang itanong mo sa mga Mayors dyan.