Si Rizal ay isang doktor, arketekto, inhenyero, maestro, manunulat, linguistra at marami pang katangian ng isang henyo. Alam ni Zulkarnain na ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang nagsilbing apoy para lumagablab ang damdaming paghihimagsik ng mga Pilipino sa mga Kastila.
Kabisado niya ang mga tauhan ng Noli at Fili maging ang kapanganakan ni Rizal sa Calamba, Laguna, ang pagpapatapon sa Dapitan, ang pagbaril sa Luneta, mga paglalakbay at pakikipagsapalaran ni Rizal sa ibat ibang bansa at ang pakikipag-romansa ni Rizal sa mga babae.
Nakatutuwa na mas maraming alam si Zulkarnain tungkol kay Rizal kaysa ilang Pilipino. Sa paggunita sa Biyernes sa kamatayan ni Rizal bigyang pugay natin ang kanyang kadakilaan.