Bilang oncologist (espesyalista sa cancer) ang pagsasabi sa kamag-anak o sa pasyente mismong may taning na ang buhay ang pinaka-mahirap. Mahirap i-discuss na wala nang lunas ang sakit.
Pero dahil bahagi ito ng aking trabaho, napag-aaralan namin ang mahirap na gawaing ito.
Sa clinical oncology, dumarating ang punto na wala nang pag-asa ang lahat para mabuhay. Imposible na. Sa ganitong pagkakataon ang aming pangunahing tungkulin ay ang pagbibigay ng comfort at pagkontrol sa sakit na nararamdaman para sa pamilya ng pasyente. Ang paghahanda sa pamilya ng pasyente sa nalalapit na kamatayan ay kasama sa aming gawain.
Kasama sa mga dapat i-discussed ang pag-aalis ng life support kung wala nang pag-asa pa ang pasyente. This is a much more difficult decision than not starting life support in the first place. Kapag ang pasyente, pamilya at maging ang doctor ay nagkasundo, reasonable at legal ang pag-disconnect ng resuscitator, pagtigil sa pagbibigay ng cardiac drugs para ma-maintain ang blood pressure at hindi na pagbibigay ng antibiotics.
There is a time to live and a time to die. Nothing oncologists learn in medical school, residency or fellowship teaches us when that time is. Alam namin kung ang sitwasyon ay hopeless na o wala nang paraan pa, ito ay nasa prerogative na ng pasyente at pamilya na gumawa ng desisyon para itigil na ang lahat ng treatment. As oncologists, it is our moral charge to facilitate such wishes.