Mula sa unang araw ng Southeast Asian Games hanggang sa huling araw ay hindi tinantanan ng ating mga atleta ang kanilang mga kalaban. Pinakita nila na iba ang Pinoy at may determinasyong manalo.
Sa huling medal count ay tambak ang iba pang sumali na dahilan naman upang ikapikon nitong si Thai Prime Minister Thaksin Shinawatra na nagsasabing may dayaan daw nangyari. WALA HONG DAYAAN, wala hong kinalaman sa SEA Games si dating Comelec Commissioner Virgilio "Garci" Garcillano at ganoon din ang administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria.
Katotohanan niyan ay meron pang ilang mga kaalyado ng Malacañang na ginamit ang pagkakataon upang mangurakot. Ano nga naman ang aasahan natin sa magnanakaw, lahat ng pagkakataon ay hindi nila palalampasin. Pero ibang kuwento ho yan at hindi pa ho kumpleto ang ating research.
Anyway, habang sinusulat ko ito ay 113 Gold medals ang hawak ng ating mga atleta, 76 na silvers at 85 bronzes. Ang Thailand ho ni pikon at may kalembang na si Prime Minister Thaksin Shinawatra ay nakakuha lang ng 75 ginto, 77 pilak at 107 na tanso. Pangatlo naman ho ang Vietnam na may 64 62 81.
Muli babatiin ko ang mga atleta na nagbigay ng liwanag sa atin at nagpataba sa puso ng bawat isang Pinoy lalo na at tayo ay nasasadlak sa kadiliman ng pandaraya, patuloy na pagnanakaw at walang tigil na pagsisinungaling.
Mula roon ay tumulak na sila papuntang airport hanggang sa pagdating paglipad niya sa Maynila. Sobra ang pag-aalaga sa kanya ay para siyang si McArthur na bumalik noong bago matapos ang ikalawang digmaan.
Katunayan ka, meron pang isang opisyal na armado ang sumaludo sa kanya na nagpapatunay lang sa sinabi ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson na mga taga Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang nagsisilbing security niya.
Sa Camp Bagong Diwa pa siya dinala kung saan siya ay isang "guest under protection" ayon sa Philippine National Police. Sarap naman talaga ang maging ka phone pal ni Madam Senyora Donya Gloria. Todo security, may free accommodation pa at higit sa lahat tiyak natin katakut-takot pang teacher na nagbibigay sa kanya ng last minute briefing.
Yun kayang mga kababayan natin na araw-araw ay nanganganib habang papauwi ng bahay mula sa pag-oovertime sa trabaho o mga estudyante natin na medyo ginabi sa paggagawa ng group work sa bahay ng kaeskwela ay ganoon ding seguridad.
Sabagay, hindi naman kayo ka phone pal ni Madam Senyora Donya Gloria at higit sa lahat hindi rin kayo ka phone pal ni Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo kaya sorry na lang kayo.
Pahabol nga pala, nagbabanta si Garci na ilalantad niya raw ang lahat ng pulitikong tumawag at tinulungan niya. Sa iyo Ginoong Garcillano, gawin mo ho lahat yan. Labas mo lahat pero higit sa lahat sagutin nyo ang tungkol sa hello garci tapes dahil yan lang ang magbibigay linaw kung may dayaan bang naganap noong nakaraang eleksyon.
Kung hindi mo magawa yan, kahit ho anong gawin mong pagsasalita ay wala hong maniniwala dahil ang pagkakaalam naming bukod sa pagiging dating opisyal ng Comelec ay doctor ka rin at marunong din ng magic. Buti nga lang ho hindi ka teacher ng Mathematics.
Balita ho ng mga nakakausap natin diyan sa Department of Finance at Bureau of Internal Revenue ang tunay na dahilan ay hindi na nakakayanan ni Usec Bonoan ang pressure ng mga kaalyado ni Madam Senyora Donya Gloria.
Pinipilipit ang kamay ng mga taga DOF at BIR pagdating sa pagdedemanda ng mga malalaking tao o kompanya na malalapit sa Malacanang. Kahit na lantaran ang pandaraya ng mga tax evaders, smugglers at corrupt officials ay pinipigilan pa rin silang habulin ang mga ito.
Isa sa nga rito ay isang health food company na hanggang sa US ay may branch na at never nagbayad ng buwis mula ng itayo ito limang taon na ang nakaraan. Isa na ito sa pinakamalaki pero walang katamis tamis dahil puro ito kaPAITAN na parang AMPALAYA dahil binabalewala ang BIR.
Baka nga naman sila mag-aalala, malaki ang naging tulong nila sa mga kaalyado ni Madam Senyora Donya Gloria. Kasama na ho riyan ang contribution sa election at siyempre iba pang mga pampaligaya.
Inaalam pa nga lang natin kung sino itong mga opisyal na ito at ibubulong ho natin sa sambayanan. NapakaPAIT kasi dahil ang sambayanan ay inaatasan magbayad ng karagdagang buwis gaya nitong Expanded Value Added Tax o Evat pero ang mga kaibigan, contributor at supporters nila ay nagpapayaman na hindi man lang nagbabayad kahit isang kusing.