Sana maging masaya kayo at inyong mga mahal sa buhay.
Salamat sa patuloy at walang sawang suporta sa Pilipino Star NGAYON dahil sa inyo kami ang number one diyan sa HK.
Mabuhay kayo!
Ang isyu, nagsasagawa ng operasyon ang halos lahat ng sangay ng ahensiya ng katulisan este mali kapulisan pala kasama pa todits si DILG bossing Angie Reyes sa No Plate, No Travel policy kahapon ng morning.
Kaya naman naggagalaiti todits ang mga motorista kasi saksakan ng haba ng traffic sa EDSA.
Sabi nga, maraming na late!
Ang operasyon sa tingin ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay para masawata ang mga dumaraming kidnap for ransom syndicate na parang kabute na naman umuusbong dehins lang sa provinces kundi maging sa Metro-Manila.
Ayaw lang sabihin ng mga awtoridad na patung-patong na naman ang kaso ng kidnap for ransom.
Dehins pa kasama siyempre ang kaso ng carjacking at carnapping.
Halos lahat ng klase ng ping maliban kay Senator Ping ay tumataas.
Bakit kaya?
Dahil ba sa magpapasko na.
Tinatawagan ko ang ating mga kababayan na mag-ingat sa lahat ng uri ng mga gago sa kalsada.
Mahigpit na nangangailangan ng pitsa ang mga kamote ngayong kapaskuhan kaya naman lahat ng uri ng kagaguhan ay gagawin ng mga kamote basta magka-atik lang.
Nagpapasalamat naman ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa maagap na operasyon ng mga katulisan este mali kapulisan pala para bigyan proteksyon ang ating mga kababayan versus sa lahat ng uri ng kriminalidad.
Grabe pala ang traffic sa EDSA kahapon ng morning going South? sabi ng kuwagong taga-MMDA.
"Kaya pala maaga pa kahapon marami na ang nabuwisit dahil late sila sa trabaho, sagot ng kuwagong Kotong cop.
Walang magagawa kapag gustong magpa-pogi ng ilan kababayan natin natatawang sabi ng kuwagong konduktor sa bus.
Maulit pa kaya ang gagawin ng ating mga katulisan este mali kapulisan pala bukas? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Iyan kamote ang itanong mo sa kanila!