Ang naghahari rito ay ang grupo ni Manuel Nieto, Jr. Naglathala ito ng talaan ng mga investors at ang porsyento ng puhunan sa kompanya gaya nito: Gobyerno, 40 percent; Nieto; 13 percent; Illusorio, 14 percent; Poblador, 12 percent; Africa, 7 percent; Benedicto, 3 percent; Traders Royal Bank, 4 percent; at Enrile, 7 percent. Base sa ganyang investment, ang mga investors ay may katumbas na equity sa Philippine Satellite Corp. (Philcomsat) at Philcomsat Holdings Corp (PHC). Katakataka na iisang grupo lang ang kumukopo sa board of directors ng cash-rich PHC. Ito ang grupo ni Nieto. Si Nieto ang presidente ng PHC at isang ring board member.
Bilang may-hawak sa 81 percent ng PHC, dapat okupado ng Philcomsat ang pito sa 11 upuan sa PHC board. Sa pitong upuan, kailangang dalawa ang sa pamahalaan at ang nalalabing lima ay sa anim na pamilyang investors.
Ang mga board members na nahalal sa kontrobersyal at kinukuwestyong stockholders meeting noong Aug. 21, 2004 ay kinabibilangan nina Benito Araneta, Philip Brodett, Enrique Locsin, Roberto Abad, Prudencio Somera, Luis Lokin Jr., Manuel Andal, Roberto San Jose, Julio Jalandoni at Nieto. Sina Locsin, Andal at Jalandoni ay mga nominado ng pamahalaan sa korporasyon pero ngayoy hindi interes ng pamahalaan ang ipinaglalaban kundi interes ni Nieto na siyang kumukontrol sa korporasyon to the detriment of the government and other investor families.
Ang masama nito, ang financial condition ng PHC ay bagsak sa nagdaang maraming taon. Milyun-milyong piso ang ginastos ng mga tiwaling opisyal sa mga questionale deals, nakalululang representation allowance na animoy ginawang "gatasan" ang korporasyon na may saping puhunan at interes ang mga mamamayan.
Ang Securities and Exchange Commission (SEC) ang dapat sanang magtanod dito para alagaan ang interes ng bayan pero tila nagtutulugtulugan yata. Kawawang PHC, malamang matulad ito sa sinapit na masamang kapalaran ng College Assurance Plan (CAP).