Ang isyu, duda pala ang isang asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tungkol sa killing ng ating kasaya este mali kabaro palang si Roberto Robby Ramos, 39, sa Calamba, Laguna.
Si Robby ay pang 72 newsmen na tinigok ng mga gago mula noong 1986. Samantala, pang-siyam naman ito sa napatay ngayong 2005. Nauna lang ng tatlong araw si Ricardo Uy, isang broadcaster na pinaslang naman sa Sorsogon City.
Galing ang mga miyembro ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) sa burol ni Robby kahapon ng hapon diyan sa Calamba, Laguna.
Nakausap ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pamilya ni Robby siyempre malungkot sila sa nangyari. Pero ang magandang pagkuwentuhan natin ay kung sinong kamote ang bumakbak kay Robby.
Suspect pala ng mga taong kadikit ni Robby ay lespiak na kagalit nito ang tumira sa kanya. May alitan pala si Robby at isang Bert pirata, isang kolektor na lespu diyan sa Calamba.
Ang pinag-aawayan todits ay ang talamak na pirated DVD at CD na selling like hot cakes diyan sa Laguna. Inabot pala ng isang oras bago nakuha ang bangkay ni Robby at dinala sa funeral sabi ng mga kasangga ni Robby up to now alaws pa itong autopsy report.
Sa scene of the crime malapit lang pala sa police outpost kinana si Robby sa dami ng tao at vendors todits ni isa sa kanila ay ayaw magsalita para tumestigo kung no-si ang bumaril. Pero pilit naman sinasabi ng isa sa asset na nakakuwentuhan ng mga kuwago ng ORA MISMO, na dehins daw Muslim ang bumanat sa victim kundi isang parak. Yes, folks you read it right! Lespu ang bumira. Si Bert pirata ang tumira.
Paging Region 4-A bossing Jess Verzosa, Sir paki-kalkal nga po ang impormasyon ikinukuwento ko.
Ano ba ito Edu Manzano mukhang tatamad-tamad ka na sa hotraba mo bilang chairwoman este mali chairman pala ng Optical Media Board? Tanong ng kuwagong nanonood ng pirated DVD sa Quiapo.
Bakit nga pala sa Metro-Manila ka lang nag-ooperate eh mas maraming pekeng DVD at CDs sa mga provinces? sabi ng kuwagong mahilig sa pirated x-rated movie.
Kita mo napatay tuloy ang kabaro namin na si Robby sa Laguna naiinis na sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Hindi ko sinisisi si Edu regarding sa pagkamatay ni Robby ang sinasabi natin ay magtrabaho siya para labanan ang paglaganap ng pekeng DVD at CDs".
Diyan kamote korek ka!