May nangyari roong wariy kakaiba
At itoy naganap kamiy pauwi na
Sakay ng eroplanong nag-stopover pa!
Mula Xiamen Airport kamiy naglalakbay
Patungong Maynila maraming kasakay;
Nasa airborne kamiy biglang naramdaman
Na ang eroplanoy gumagalaw-galaw!
Kumakalug-kalog, mahinat malakas
Kaya ang puso koy waring nagpipiglas;
Lalo pang nangamba:Captain ay nangusap
Ibabalik kami sa minulang syudad!
Nang mag-landing kamiy agad na dumating
Ang mga ekpertong gagawa ng repair;
Dalwang oras kaming doon ay nabinbin
Bago nakalipad ang delayed na airplane!
Dahil sa nasira akoy kabang-kaba
Na masira uli ay lumilipad na;
Ang dasal ng puso ngayoy kakaiba
Dahil siyam kami na magkakasama!
Diyos ko, Diyos ko huwag mo pong itulot
Na kamiy bumagsak sa dagat o bundok;
Ang ibang kasama kunway natutulog
Pero nagdarasal pagkat natatakot!
Dinarasal namiy alam kong iisa:
Sanay makasapit kami sa Maynila;
Sanay makauwi sa aming pamilya
Na buhay at ligtas sa mga sakuna!
Mga kasama koy ang aking maybahay
At dalawang anak kong bunso at panganay;
Tatlo ang apo kong isay bagong silang
At tatlo pang iba na kamag-anakan!
Panganay kong anak na dumidiskarte
Kasamang naligtas sa naturang byahe
Salamat sa Diyos kamiy nakauwi
Sa pangalwang buhay magpapakabuti!