‘Mag-sorry ka GMA –ABS CBN

IBANG GMA ngayon ang kalaban ng ABS-CBN. Hindi GMA-7 kundi "GMA" as in Gloria Macapagal-Arroyo. Gusto ng "Philippines’ largest network" na mag-sorry ang Presidente sa pagdadawit sa TV anchorman na si Julius Babao sa terorismo.

Si Presidente Arroyo mismo ang tumukoy sa isang intelligence report na ang ace TV anchorman na ito ng ABS-CBN ang naglagak ng piyansa para pansamantalang makalaya si Tyrone "Dawud" Santos, isang pinaghihinalaang terorista. Ito’y tahasang pinasinungalingan ni Babao at ng pamunuan ng ABS-CBN. Ngayo’y nagtatago na si Santos kaya si Babao ang pinagdidiskitahan.

Granting without accepting
na si Babao nga ang nagpiyansa para makalaya ang isang suspected terrorist, hindi paglabag sa ano mang batas ang maglagak ng piyansa sa sino mang nahaharap sa demanda hangga’t ang kaso’y bailable.

Batayan sa paratang ng mga opisyal ng militar ang pakikipag-usap ni Babao kay Santos at mga kaanak nito, pati na sa legal counsel ng suspek. Sa ibang salita, puro circumstantial evidence at walang matibay na pruweba na si Babao nga ang piyansador ni Santos. Iyan ay inamin mismo ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISFP). At sakali mang pinyansahan ni Babao ang suspek sa pamamagitan ng perang mula sa kanyang lukbutan at hindi mula sa kaban ng ABS-CBN, wala nang paki kahit ang kompanyang kanyang pinaglilingkuran. Presuming that Babao was instrumental in the temporary release of Santos, he did it in a private capacity. Hindi niya ginamit ang impluwensya niya bilang sikat na brodkaster ng kilalang network. Pera niya ang ginamit. Iyan nama’y kung totoong siya ang naglagak ng piyansa.

Marami tayong kabaro sa media ang naghihinala na baka may nasabing adversarial sa administrasyon itong si Babao kaya siya hinahanapan ngayon ng butas para makasuhan. Kung totoo ang ganyang teorya, aba, eh di wala ngang pinag-iba ang administrasyong ito sa taktikang dictatorial ng administrasyong Marcos.

Mediaman
si Babao, Isang kabaro sa propesyon. Nangangamba lang ako na baka ang ganyang diskarte ay pasimula na ng pag-intimidate sa media para huwag umupak sa mga depekto ng administrasyong ito.

Show comments