Matulad kaya ang Nida Blanca Tragedy sa kaso ni Sen. Benigno Aquino Jr. at ng PR man na si Bobby Dacer na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring kalutasan?
Isang alamat si Nida Blanca, (Dorothy Jones sa tunay na buhay) na tubong Nueva Ecija. Isa siyang total performer kumakanta, sumasayaw, nagko-comedy at nagda-drama. Sa kauna-unahang FAMAS Awards noong 1952, si Nida Blanca ang tinanghal na best supporting actress sa pelikulang Korea ng LVN Pictures na dinerehe ng national artist at award-winning Director Lamberto V. Avellana batay sa screenplay ni Ninoy Aquino na isang Korean war correspondent. Grand slam ni Nida Blanca ang Miguelito kung saan ginampanan niya ang papel na ina ni Aga Muhlach.
Ang unica iha ni Nida Blanca na si Kaye Torres ay umaasa na matatamo rin ang hustisya ng kanyang dakilang ina.