May basehan ba?

PARANG tsubibo palang iikot sa Pinas ang grupo ng Consultative Commission para sa consultation na gagawin sa pagpapalit ng sistema ng government mula sa presidential papuntang parliamentary form.

Umalis kahapon ang may 49 members ng ConCom, sila ay magbabakasyon, este mali, pupunta sa mga lalawigan ng Cebu, Iloilo, Davao, Zamboanga, Puerto Princesa, Tacloban City at Cagayan de Oro para makipag-ugnayan sa mga Noypi upang ipaliwanag ang advantage at disadvantage ng parliamentary form of government.

Up to December 15 ang taning ni Prez Gloria Macapagal Arroyo sa grupo ng ConCom para tapusin ang consultation sa people at paagkatapos ay ipadadala sa Congress ang kanilang recommendation base sa pulso ng mamamayan.

Gusto pala ng majority ng mga commissioners na palitan ang system ng gobyerno mula presidential patungong parliamentary. Kumbinsido ang mga commissioners na kailangan nang baguhin ang Constitution upang mapigilan ang pagkakaroon ng isang "Theocratic state" sa Pinas.

Grabe na kasi ang pulitikahan sa Pinas kaya naman sangkatutak na religious sector ang hayagang nakikialam sa political issue. Ang pakikialam ng religious sector ay

taliwas sa probisyon ng "Separation of the Church and State" at maaaring magdulot ng patuloy na pagkakaroon ng paghahati-hati ng mamamayan.

Ang pagkakaroon ng Charter Change ay upang alisin ang partisan politics na kasalukuyang umiiral sa ating bansa. Hindi raw kailanman magiging "rubber stamp" ni Prez Gloria ang ConCom dahil ang mamamayan din ang magdedesisyon kung papayagan nilang baguhin ang sistema ng gobyerno.

May ilang members ng Commission na walang basehan ang panawagan nina Cebu Archbishop Ricardo Vidal at El Shaddai spiritual leader Mike Velarde mag-call si Prez GMA ng isang snap Presidential election sa 2007 upang magkaroon ng political stability sa Pinas.

"Dapat sundin natin ang butas, este mali, batas pala regarding snap election," anang kuwagong mananayaw sa kabaret.

"Ang nasa butas, este mali, batas pala, kapag nagbitiw sa tungkulin, namatay o maging physically incapacitated ang Prez tiyak ang Vice President ang dapat humalili sa trono na iiwan ng una," sabi ng kuwagong Kotong cop, upang ipagpatuloy ang kanyang panunungkulan.

"Kapag nawala rin sa puwesto ang Vice President, tiyak ang legal na successor nito ang Senate President na magpapatawag ng ‘special elections’," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Kaya kamote, walang legal basis ang magpatawag ng snap election."

Show comments