Sa mga nagbri-brisk walking ng tatlong oras bawat linggo, bumababa sa 30 hanggang 40 porsiyento ang panganib ng heart attack. Ang ulat na ito ay batay sa pag-aaral sa 72 libong babae na may edad na 40 hanggang 65. Napag-alaman din na ang brisk walking sa loob ng limang oras o mahigit pa sa bawat linggo ay mababawasan ang pangambang magka-atake sa puso ng mahigit sa 40 porsiyento. At kung magdadagdag ng 90 minuto na pagbi-brisk walking bawat linggo at may mas lalong ligtas sa panganib na magkaroon ng sakit sa puso. Ang pag-aaral na ginawa sa mga babae ay puwede rin sa mga lalaki ayon sa mga researchers.
Napag-alaman na mas epektibo ang aerobic exercise sa pagsunog ng malaking bilang ng calories na iniuugnay sa sakit sa puso. Ang mga nag-aaerobics ay mas payat pero matipuno, mababa ang cholesterol at insulin levels kumpara sa mga kasing edad nila na walang ehersisyo.
Ayon kay Dr. Eric Poehlman ng University of Vermont Burlington, mas lumulusog ang puso at baga ng mga nagkakaedad kapag mag-a-aerobics.
Ang mga aerobically fit na elders ay may mababang abdominal fat at malayo sila sa panganib na magkaroon ng sakit sa puso at diabetes.