MARAMI ang hindi nakababatid na masama sa balat kapag sumobra ang pagkababad sa liwanag ng araw. Cancer sa balat ang kinahahantungan nang sobrang pagpapaaraw. Ang araw ay may tinatawag na ultra-violet rays na isinasangkot sa pagkakaroon ng cancer sa balat. Ang sikat ng araw sa umaga ay may hatid na benepisyo sa katawan subalit kapag matindi na ang sikat sa tanghali o hapon, masama na ang dulot ito. Ganoon man, kahit na isinisisi sa araw ang pagkakaroon ng cancer sa balat, mabibilang pa rin naman ang nagkakaroon nito sa kasalukuyan. Ang cancer sa balat ay hindi katulad ng ibang cancer na madalas manalasa sa tao.
May tatlong uri ng cancer sa balat basal cell carcinoma, squamous cell carcinoma at ang malignat melanoma.
Ang basal cell carcinoma at squamous cell carcinoma ay madaling gamutin kung mapapangalagaan nang husto. Hindi ito nagiging dahilan ng kamatayan. Taliwas naman dito ang malignant melanoma na kinakailangang isang mahusay na dermatologist ang gagamot sa may ganitong karamdaman kaysa sa isang oncologist.
Ang maipapayo ko, para maiwasan ang pagkaka-roon ng cancer sa balat, iwasan ang labis na pagpapaaraw. Iwasan ang ultraviolet light.