Alam natin na ayaw as in ayaw ng katulisan este mali kapulisan pala na tumuntong ang mga raliyista sa paa-nan ng Mendiola sa anumang paraan dahil sa high security risk.
Dahil ang Mendiola ay lubhang napakalapit na sa palaso este mali Palasyo pala kaya naman pinipigilan sila ng mga anti-riot foolish este mali police pala para pigilin ang anumang pagtatangka ng mga raliyista na sumugod papuntang Malacañang.
Kahit ano gagawin ng mga foolish este mali police pala basta ang important sa kanila ay dehins makatuntong sa Mendiola bridge ang mga rioters este mali raliyista pala. Sabi nga, an eye for an eye, a tooth for a tooth.
Noon panahon ng diktador na si Marcos sangkaterba ang nadedbol sa Mendiola naulit ito noon naman panahon ni Cory! Remember Mendiola massacre!
Sariwa pa sa alaala ng marami ang siege sa Palasyo na ginawa ng mga pro-Erap rallyists na halos mapasok na nila ang Palasyo. Marami rin ang mga nasaktan noong araw na iyon di lang sa mga rallyista kundi pati na rin sa hanay ng katulisan este mali kapulisan pala.
Bakit ba gustung-gusto ng mga raliyista ang mag-rally sa Mendiola eh puwede naman sa ibang lugar na hindi bawal at hindi sila makaaabala sa maraming tao anang kuwagong maninipsip ng tahong.
Symbolic victory, na maituturing sa mga raliyista ang makapagsagawa ng isang protest rally sa ngayoy makasaysayang lugar, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Malapit ito sa seat of power ang lugar kaya gustung-gusto ito ng mga raliyista, ng kuwagong Kotong cop.
May punto ang dalawang panig.
Ano kaya ipagbawal ni GMA ang pagra-rally sa lahat ng lugar maliban sa Mendiola. Gustuhin pa kaya ng mga raliyista na mag-rally todits kamote?