Ang dalawang legal terms na ito ang batayan ng mosyon para idismiss ang reklamo ni Enrique Locsin na nagsasabing siyay legal na kinatawan ng Philippine Overseas Telecommunications Corp. (POTC) at ng subsidiary nito na Philippine Communications Sate- llite Corp. (PHILCOMSAT). Ang reklamo ay paglabag daw sa anti-graft and corrupt practices act laban sa grupo ni Victor Africa, presidente ng POTC at Philcomsat. Si Locsin ay kasama sa kampo ni Manuel Nieto na nagsasabing sila ang legal na tagapamahala sa mga naturang kompanya gayung may final ruling na ang Mataas na Hukuman na ang grupo ni Africa ang legal na tagapamahala ng mga nasabing kompanya. Kumatig ang Korte Suprema sa grupo ni Africa matapos ang mahabang legal battle.The SCs ruling is final and execu-tory. Res judicata.
Kaya nagsampa ng motion to dismiss ang kampo ni Africa sa pangunguna ng mga corporate secretaries na sina Atty. Victoria delos Reyes ay John Benedict Sioson sa Sandiganbayan na anilay walang jurisdiction sa kaso. Sa reklamo ni Locsin, kinaladkad ang pangalan ni Africa pati na ang dalawang abogado sa asunto for misrepresenting themselves ay directors and officers of Philcomsat and POTC. Ang katuwiran nina delos Reyes at Sioson ay "hindi naman kunektado sa pamahalaan ang mga inaakusahan" kaya walang hurisdiksyon ang Sandiganbayan.
The two lawyers noted that the exclusive jurisdiction of the Sandiganbayan is over cases filed by the PCGG o kayay ng sino man na kumukuwestyon sa ano mang utos o desisyon ng naturang komisyon.
Sa pinal na promulgasyon ng Korte Suprema, kinatigan nito ang compromise agreement ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ng yumaong Potenciano Ilusorio tungkol sa 5,499 shares ng POTC. Sa mga shares na ito, 4,727 shares ang ibinigay sa gobyerno o 35 porsyentong pagmamay-ari sa POTC kasama ang isa pang 35 porsyentong interes sa Philcomsat na isang subsidiary ng POTC. Pinawalang saysay ng Korte ang stockholders meeting at eleksyon na ginanap ng grupo ni Manuel Nieto, Jr. para sa pangasiwaan ng POTC at Philcomsat.
Kaya base sa pinal at balidong ruling ng SC, walang "K" si Locsin na magsampa ng ganyang kaso na sa tingin koy tahasang pag-undermine sa desisyon ng Mataas na Hukuman.