Isa sa mga maipagmamalaking Pilipina sa larangan ng medisina ay si Dr. Corazon Brillantes-Jose. Si Dr. Jose ang tanging Pilipinong doktor na pinarangalan ng international faculty of top cosmectic doctors sa Australia, Brazil, Japan, Korea, China at Vietnam. Tumanggap na rin siya ng award bilang best cosmetic surgeon in Asia at ginawaran din ng outstanding professional award bilang isa sa 100 best cosmetic surgeons of the millennium ng 2nd World Congress on Advance Cosmetic Surgery. Nakatakda siyang parangalan sa 4th World Congress of International Society of Aesthetic Surgery sa Tokyo, Japan.
Marami na ang nagpatunay sa pagiging dalubhasa ni Dr. Jose sa cosmetic surgery kabilang na ang ibat ibang aspeto ng facelift, liposuction, breast augmentation at skin care.
Nagtapos siya ng medisina sa University of Santo Tomas at nagpakadalubhasa sa Amerika at Europa. Siya ang pangulo ng Philippine Society for Cosmetic Surgery, founding president ng Philippine Society of Liposuction Surgery Inc. May klinika siya sa Rm. 505 Cityland 3 Bldg., Rufino St., Legaspi Village, Makati City, Tel. 8192966 at sa Rm. 205 Delos Santos Hospital 201 E. Rodriguez Avenue, Quezon City tel. 7330041 local 250.