Ay nagpapadala sa masamang layon;
Dyan sa Makati laging nagtitipon
Mga kababayang baluktot ang misyon!
Baluktot ang misyon dahil ang hangarin
Itong buong bansa ay gustong lumpuhin;
Yaong nakatindig na gobyerno natin
Gusto ay ibagsak - ang bayay wasakin!
Palaging may rally na nakasisira
Sa ekonomiya nitong ating bansa;
May mga lider pang sa ganitoy tuwa
Pagkat pansarili ang layunit nasa!
At maraming lider diyan sa Makati
Na nangunguna pa kapagka may rally;
Sanay maintindihang sa masamang gawi
Mga negosyantey hindi mapakali!
Hindi mapalagay at gustoy umalis
Ng mga investor na laging affected;
Sana naman sana mga anak-pawis
Huwag kayong makinig sa lider-kamatis!
Kung tayoy sasama sa rally o demo
Sa tamang layunin - tapat at matino;
Huwag tayong paakit sa sulsol at tukso
Ng mga maperat lider na demonyo!
Lider lamang sila dahil sa ang misyon -
Maging matagumpay kanilang ambisyon;
Nais pamunuan itong buong nasyon
At tayoy magdusa hanggang sa mabaon!