Pero alam nyo ba na may mga pagkaing may antibacterial o antiviral properties na kayang wasakin ang mga micro-organisms? May mga pagkain rin namang pinasisigla ang immune systems kaya natutulungan ang katawan para labanan ang infection.
Ang bawang, paminta at luya ay malaki ang naitutulong para mapangalagaan ang katawan sa infection. Ang bawang ay napatunayang mahusay para sa infection. Bukod sa paglaban sa infection, may antibacterial ang bawang na nababawasan ang panganib sa pagkakaron ng blood clot o ang pamumuo ng dugo. Mabuti rin para mapababa ang high blood pressure. Matapos kumain ng bawang, hindi maiiwasang magkaroon ng amoy ang bibig. Alisin ang amoy sa pamamagitan ng pagnguya ng sariwang parley.
Ang dinikdik na luya at paminta ay ginagamit ng mga herbalists para panggamot sa sipon. Ang katas ng cramberries ay matagal nang ginagamit para magamot ang urinary tract infections. Nilalabanan naman ng pagkain ng yogart ang after effect nang pag-take ng antibiotics.
Huwag maliitin ang nagagawa ng bawang, luya at paminta at marami pang pagkain.