Oportunidad sa mga kooperatiba

AYOS-NA-AYOS ang programa ng Philippine Small and Medium Business Development Foundation (Philsmed) at Cooperative Development Authority (CDA). Sa panahong tag-hirap, dapat tao mismo ang tumulong sa sarili. Isa sa paraan ay ang pagsali kundi man pagtatayo ng kooperatiba. Tinatayang may 28,000 kooperatiba na sa buong bansa.

Sa Oktubtre 5 hanggang 6, gaganapin ang Business Opportunities 2006 sa Philippine International Convention Center (PICC). Dito’y tatalakayin ang maraming oportunidad sa negosyo para sa mga kooperatiba. Proyekto ito ng Philsmed at CDA para tugunan ang pangangailangan ng mga kooperatiba at iba pang mga negosyong nasa labas ng kooperatiba. Sabi nga ni Mina T. Gabor, pangulo ng Philsmed, pinaka-epektibo sa negosyo ang mga kooperatiba pero tila hindi napagtutuunan ng pansin. Hindi puwedeng ismolin ang mga ito. Sa totoo lang, mayroon nang sampung kooperatiba sa bansa na klasipikaddong "bilyonaryo." Bawat isa ay may 75,000 kasapi o higit pa. Kung ang lahat ng 28,000 kooperatiba sa bansa ay magiging bilyonaryo, baka wala nang mahirap na Pilipino. Ayon kay CDA Chair Bing Juarez, iyan ang sinisikap matamo ng kanyang tanggapan.

Ang Business Opportunites 2006 ay pagkakataon sa mga negosyante na makipag-partnership sa mga cooperatives sa larangan ng pananalapi at pagbebenta ng kanilang produkto. Sa ngayon, karamihan sa mga kooperatiba ay nasa larangan lamang ng pagpapautang. Para naman sa mga kooperatiba, ang Business Opportunities 2006 ay tsansa para malaman nila sa mga eksperto ang mga paraan sa epektibong pagnenegosyo. Sa gagawing two-day forum, ang mga negosyante ay magtuturo sa mga kooperatiba ng paraan sa paglikha, pagdisenyo at pagbebenta ng produkto.

Magtatamo rin ng kaalaman ang mga koopera-tiba sa pandaigdig na kalakarang nakakaapekto sa negosyo pati na ang wastong paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga ahensyang makatutulong sa kanila. I suggest na yung mga small entrepreneurs na naghahangad matutuhan ang pasikut-sikot ng pagnenegosyo ay lumahok na sa forum na ito dahil marami kayong mapupulot na kaalamang makatutulong sa paghubog ng magandang kinabukasan para sa inyo.

Para sa iba pang impormasyon, mangyaring umugnay sa Philsmed (telepono 8342994, 8320-996 o sa www. philsmed.-com.ph).

Show comments