Text messages

PATULOY pa rin ang dagsa ng text messages sa akin ukol sa katanungang kung nagsinungaling ba, nagnakaw ba o nandaya ba si Madam Senyora Donya Gloria? Isa ho ito sa isyu na talagang naparaming reaksyon ang natanggap ko na umaabot na sa mahigit 500 text messages.

Dahil sa dami ng mga reaksyong pinadala ninyo na tunay namang nagpapataba ng aking puso ay inisip kong ilathala muli ang ilan pang mga text messages na aking natanggap. Gaya ng nakaraan, paumanhin po at di kayang pagbigyan ang lahat at inalis ko rin ho ang mga text na may mga salitang hindi dapat nilalathala sa pahayagan.

Dapat alamin ng Pilipinas na walang pakialam sa atin c Gloria kahit na magalit sa kanya ang buong Pilipinas wala ciang pakialam basta hindi cia aalis sa Malakanyang alam niang hndi cia nanalo dahil nagdaya lang cia -— 09203769503; sobra na ang kasamaan n gma. Kailangan ntn mkamit ang ktrungan, ktotohanan at kpyapaan — 09196659491;

Di ko mapigilan dhil s ako’y isang Pilipino sa pamamagitan man lang ng txt ko mapaabot ko sa inyo ang aking saloobin na dapat c Pres Aroyko pbabain na Palasyo — 09103318109; nandaya tlaga c Gloria. Kng klaban ng gobyerno c garci mtagal ng nahuli un — 09273008145;

Dpat ung bansa natin eh bagsakan ng nuclear maglaho n sa mundo. Gnun din nman unti unti n tayong pinapatay ng mga namumuno sa atin. Damay damay na — 09287926138. ang katotohanan lng ang gusting ilabas bkit pintay nila impeachment dahil natatakot cla — 09168783893;

Oo oo at oo ulit. Dpat n syang tanggalin sa pwesto b4 5x kami kumakain, ngayon 2x na lang kainis dba? Gloria resign — 09278520374; kung di ako nagkakamali lahat ng bumoto na ibasura ang impeachment ay may secret deal sa taga malakanyang dapat alamin ng tao na bumoto sa kanila dahil idinadamay nila ang nasasakupan nila yon ang gusto nila na ibasura ang impeachment siguro ay milyon milyon ang kadahilanan — 091555551866;

Ung mga bumoto para patayin ang impeachment sa susunod dna cla iboboto ng tao lalo na c mitos magsaysay ng zambales. Ang nagpanalo sa kanya ditto sa amin oposisyon tapos kumampi kay Gloria, taksil — 09283730193; ang mayorya po ng taga camarines norte ay pro impeachment kaya sinungaling yang c unico — 09225088342;

Mukhang pera ang bumoto ng yes. Sana ay pakinabangan ng kanilang distrito ang perang pinagbilhan ng yes votes nila. Kung hindi makakarma sila — 09207868876; nanadaya, nagnakaw at sinungaling c Gloria — 09266245920; kakaawa tuloy kayong mga anti-gma gustong gusto nyong mapaalis c gma wala naman kayong magagawa. Ang dami nyong cnasabi tapos wala nmang nagkatotoo kahit isa. Anong adios Gloria, kayo ang adios — 09283187147;

Mga gago pala kayo. Eh yung mga kapartido nyo nga dn bumoto sa no tapos gusto nyo rally. Kayp ang nagpapahirap sa Pilipinas d kami sasali sa rally nyo mga gago at ulol kayo — 09197829615; a police general can not distinguish explosive explosion vs kulog? Wow! Only in the Philippines — 09176996618;

Mas maginoo pa c manny pacquiao ikumpara sa lahat na pulitiko o sa mga kurakot sa gobyerno. C manny pinagpaguran na pera share pa sa kita niya — 09174170384; 2toong nandaya c gma bakit nya pnatay ang impeachment, atsaka cnsabi nya marami tayo utang kung wala pera gob, bakit nagaagawa cla sa pwes2 bakit ayaw pa niya bumaba — 09185667321;

Kung di cya guilty ilabas nya c garci. Kung d nya harap madlang pipol hindi totoo panalo nya - +85294650996; lahat na mambabatas na hindi pumirma sa impeachment binayaran ng milyon ni Gloria ang kapal ng mukha nila. Tayong mga taong bayan ang humusga sa kanya tayo na sa kalsada palayasin cla sa malakanyang — 09282960028;

Kayong mga opposition walang nagagawa kundi kaguluhan sayang ang swueldo sa inyo, huwag kayong mainggit kay Gloria, ALALAY yan ng MAHAL NA DIYOS — 09108219008; panawagan po sa mga kababayan natin sa ibang bansa, kung sakali makita niyo c garci kayo na po ang bahala magbigay ng hustisya na para sa amin dito sa pilipinas. Kasi di na makukuha ang hustisya dito, higit po cgurong makabayan ang mga kababayan natin sa ibang bansa kaya kung makita niyo c garci paki kurot ng nailcutter. Siyam na beses para sa aming siyam na botanteng niloko nila — 09164848582;

Guilty c gma kaya ginawa lahat ng paraan para maibasura ang impeachment. Sana makonsiyensiya sya kung di makarma siya sa _________ nyang ginagawa sa bayan — 09207868876; kapalmuks ang mga kongresista na kasama nig ma. Mga linta cla halang ang kaluluwa nila. Salot cla ng bayan. Kawawa ang mahihirap lalo clang naghihirap. Ang mga linta ang nagpapasarap — 09207868876;

Sna nga pwede rin maimplement d2 sa atin yang sistema sa mga schools natin 2lad sa Beijing. One way ito for value formation and reformation at isang paraan din ito para mapahalagahan ng mga kabataan ang edukasyon. Sana bigyan ng pansin n gating mga magigiting nating mga mambabatas — 09274573916.
* * *
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa o di kaya’y mag text sa 09272654341. Mapapakinggan n’yo rin po ang inyong lingkod sa MATA NG AGILA sa DZEC 1062 mula 6:15 hanggang 8:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.

Show comments