Naririnig mo ba ako?

MAHALAGA ang pandinig. Habang nagbubuntis ang ina, dapat na maging maagap siya na alamin ang anumang maaaring maging karamdaman ng kanyang isisilang. Dapat niyang tuklasin kung normal ito at walang kapansanan ang five senses – ang paningin, pandama, pang-amoy, panlasa at pandinig. Kapag may kulang sa limang nabanggit, dapat na ipasuri kaagad sa manggagamot.

Sa kaso ng may hearing impairment, dapat na sumailalim siya sa andiological consultation and evaluation. Nararapat na sa isang bihasa sa hearing care at may mga modernong pasilidad sa paggamot sa hearing loss.

Ipinaliwanag ng hearing aid specialist na si Dr. Eduardo Go na ibayong sigla at mataas na self-esteem, kompiyansa at respeto ang aanihin ng nalunasan ang problema sa pandinig. Binigyang-diin ni Dr. Go na "hearing is our birth-right, not a privilege."

Si Dr. Go ay board certified in Hearing Instrument Sciences, government licensed Hearing Aid Consultant of British Columbia, Canada at Medical Hearing Consultant ng Hi-tech hearing Centre Inc. May mga klinika siya sa Makati at Quezon City. Matatawagan siya sa mga telepono 723-1159/60 at 867-1229/30.

Show comments