Nagsidating para aliwin ang mga bisita ng NAIA Press Corps Incorporated ang mga magagaling na artista, manganganta at dancers sa pangunguna ni Ara Mina, Baywalk Bodies at Nadine Roxas.
Sina Senator Fred Lim, MIAA general manager Al Cusi, BI Commissioner Al Fernandez, Associate Commissioner Teddy Delarmente, DILG Sec. Mel Rosales, DOTC Usec Carmelo Penilla, BoC Commissioner Alex Arevalo, NAIA Customs Collector Boysie Belmonte at sangkaterba pang iba.
Ang isyu, nabulahaw at ityak tigil na sa katarantaduhan ang mga galamay ni Joel Talisain nang gulatin sila ni MIAA General Manager Al Cusi sa paliparan. Pinatiktikan kasi ni Al si Joel Talisain, ang mambabakal na panabong na manok at paliparan para alamin ng una kung ano talaga ang operasyon ng kamote sa airport.
Binigyan ni Al, ng 24 hours ang monitoring team niya para manmanan si Joel Talisain sa mga kagaguhang pinaggagawa nito sa departure area ng NAIA. Sangkaterba kasi mga workers sa abroad ang pinahirapan ng grupo ni Joel Talisain gamit pa nito ang name ng Presidential Anti-Crime Consumisyon este mali Commission pala ng Malacañang para bakalan ang mga pobreng alindahaw na may right to travel aboard este mali abroad pala.
Nagtataka kasi si Al, sa mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit niraratrat si Joel Talisain gayon wala naman itong papel sa airport, sabi ng kuwagong tolongges.
Ngayon naintindihan ni Al kung bakit panay ang bakbak ng Chief Kuwago kay Talisain, anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Pasalamat nga si Joel Talisain at dehins pa siya binitbit ng mga taga-PAOCC ng Malacañang sa illegal na paggamit niya ng pangalan ng mga ito natatawang sabi ng kuwagong Kotong cop.
Ano nangyari ngayon kay Joel Talisain?
Palagay ko mga kamote sa Roligon cockpit arena ito dadalhin para makasama ang mga panabong na manok doon. He-he-he!
Byeeeee buti nga.