Noong panahon kasi ni Mayor Benhur Abalos, epektibo ang mga bataan niya sa anti-vice na pinamumunuan pa ni SPO1 Jun Lim. Kahit may naapakan ang tropa ni Lim tulad ng mga vendor, hindi naman nila pinapalagpas ang mga pusher at user. Kaya malaking tulong sa kapulisan ang anti-vice ni Lim noon kung droga ang pag-uusapan. Subalit halos isang taon si Gonzales, eh wala pa tayong naulinigan na may naaresto ang grupo ni Espinosa sa aspeto ng droga? He-he-he! Paano, panay pasugalan ang inaatupag nila dahil pera-pera lang ang laban ni Espinosa, di ba mga suki.
Para sa kaalaman ni Mayor Gonzales, ipinagtataka ng mga residente ng Mandaluyong kung bakit ang pusher at addict na si Pedy Ronquillo ay labas-masok sa kulungan. Anila, si Gerardo Diaz alyas Buboy at ang bayaw niya at walang pakundangang magbenta ng shabu sa Apple St. sa Block 37 sa loob ng 24 oras. Anang mga residente sa Welfareville compound, hindi na safe ang kani-kanilang mga anak hanggang hindi nasusupil ni Mayor Gonzales si Buboy at bayaw niya.
Dahil gusto naman ni Tolongges este ni Tolome pala ng Isa pa nga kay Mayor Gonzales, ito na siguro ang malaking pagkataon para maipakita nilang mahal nila at gustong pagsilbihan ang taga-Mandaluyong City. Siyempre, dahil gusto nilang lagpasan ang mga ginawa noon ni Mayor Abalos, aba dapat lang hulihin nila kaagad si Buboy at ang bayaw niya. Hindi dapat atrasan ni Tolongges este ni Tolome uli ang hamon sa kanya ng taga-Welfareville dahil alam nila siya ang nasa likod ni Espinosa.
Nangangamba kasi ang mga residente doon na hindi papansinin ni Tolome ang problema nila dahil panay pera ang laman ng kukote niya. Hindi kaila sa kanila na si Tolome ang nasa likod ng pag-akyat ng pera sa bulsa ni Gonzales, sa hayagang pamamaraan o tago man. Hayyy! Nakuuu! Kumusta na kaya si Boy A?
Abangan!