Ano ang ginagawa ni Edu, DSWD at Mayor Atienza?

NAKAPANLULUMO na pati mga inosenteng bata ay ginagamit na rin ng sindikato sa pagbebenta ng mga sex video at pirated VCDs. Kinakalakal sila ng mga walang kaluluwang elemento ng lipunan sa pagbebenta ng mga pornographic materials sa bangketa. Sa murang kaisipan ay maagang nai-expose ang mga bata sa sex.

Isang anim na taong batang lalaki ang tinanong kung alam niya kung ano ang inilalako niya at nakatawa niyang ipinakita sa pamamagitan ng kamay ang aktong pakikipag-sex. Ang sampung taong gulang na si Carlo na binansagang Batang Bangkusay ay dumapa sa kalye at ipinamalas ang galing niyang magpumping. Inilalarawan niya ang malalaswang laman ng ibinebenta niya at inisa-isa pa niya ang mga artista kabilang na si Piolo Pascual at Troy Montero na may sex video. Dalawang daang piso ang tatlong kopya na ibinebenta nila Carlo sa Carriedo na bagamat ang mga pulis ay hindi sila pinapansin at hinuhuli kaya malaya sila sa kanilang raket.

Ang tanong ng BANTAY KAPWA bakit walang magawa ang mga awtoridad lalo na ang Videogram board na ang hepe ay si Edu Manzano para mahinto ang imoral na raket na ito? Nasaan ang programa ng DSWD para sa mga batang tulad nila Carlo? Talamak ang bentahan ng sex video hindi lang sa Carriedo kundi sa iba pang lugar sa Maynila. Ano ang ginagawa ni Mayor Lito Atienza at mga pinuno ng lungsod?

Show comments