Nakita ni Pearlie ang isang magandang ginang na kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, na dumudugo ang pinky toe habang namimilipit sa sakit sa loob ng nasabing grocery store kaya mabilis na inalalayan ng mabait sa supervisor para dalhin sa kanilang clinic ang magandang babae.
Maraming salamat Pearlie sa tulong mo sana dumami pa ang lahi mo.
Mabuhay ka!
Ang isyu, inaalat ang Pinas bagsak na ang ekonomiya todits lalo pang nababaon sa kunsumisyon ang mga Noypi dahil sa tindi ng politika.
Panibagong pasan krus na naman ni Juan dela Cruz ang mararanasan dahil sa biglaan pagtaas ng krudo ngayong araw.
Baligtad sa kama si Juan dela Cruz ng mabalitaan P1.50 per liter ang itinaas ng gasoline.
Malungkot ito dahil halos barya na lang ang natitira sa kanyang suweldo tumaas pa ang gasoline.
Tiyak matindi ang sipa ng pagtaas ng gasoline sa merkado dahil siguradong aakyat sa himpapawid ang presyo ng halos lahat ng bilihin siyempre kasama dito ang pamasahe sa pampublikong sasakyan.
Next month, October, 2nd semester, enrolment na naman kaya siguradong maraming iikot ang puwit para humanap ng pang-matrikula sa mga schools.
Sana dehins tumaas ang tuition fee sa puntong ito dahil nakakasiguro ang mga kuwago ng ORA MISMO, na kakaunti na lamang ang mag-eenrol sa pagbubukas ng semester.
Imbes na puro politics ang pinag-uusapan ng mga politiko natin dapat pagtuunan nila ng pansin ang problema ng bayan.
Sabi nga, magsama-sama together!
Tiyak ang ulam dodoble ang presyo, pamasahe siguradong tataas, tuition fee hike echetera.
Isang taong sikat lang ang alam kung hindi na yata tataas? sabi ng kuwagong malakas sumipsip ng tahong.
Sino kamote? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Si Prez Gloria, di ba? sagot ng kuwagong Kotong cop.
Ano ang konek nito sa presyo ng mga pangunahing bilihin?
Ang taas ng presyo pero hindi bumababa
´Ano ang konek ni Prez GMA dito?
Hindi siya tumataas kamote!