Ang mahirap ay kapag ang isang babae ay nakaranas ng hindi pangkaraniwang pagdurugo o unusual bleeding. Kapag sinabing unusual bleeding, maaaring marami o heavy o di naman kayay patak-patak lang o spotting.
Tinatawag itong uterine bleeding at hindi resulta ng normal menstrual period. This includes any bleeding which occurs between menstrual periods and excessive bleeding during periods.
Maraming posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon ng abnormal uterine bleeding pero ang pinakakaraniwang dahilan ay ang pagbubuntis, kapinsalaan, kumplikasyong medical o di naman kayay cancer. Kung ang isang babae na hindi naman buntis, o hindi nagkaroon ng injury at may vaginal bleeding, kailangang maisangguni agad sa doktor. Ito agad ang isipin, kumunsulta sa doktor na specialist sa Obstetrics and Gynecology para maisagawa ang internal exam gaya ng pap smear, colposcopy and D and C. Huwag mag-atubili sa pagpapa-check-up.
Ang medications at devices na karaniwang nagiging dahilan ng uterine bleeding ay: 1.) Paggamit ng oral contraceptives at intrauterine devices (IUD); 2.) Tranquilizers; 3.) Cimetidene (Tagamet); 4.) Metoclopramide HCL; 5.) Antidepressants; 6.) Anticoagulants; at 7.) Corticosteroids.