Sinunog o nasunog

TWO hundred million worth of epektos ang nalusaw o sadyang nilusaw ng mga kamote diyan sa may Cebu Customs house noong nakaraang araw. Sangkatutak na taga-Manila ang nagtaasan ng kilay lalo na ang ilang employees ng bureau dahil nagtataka sila kung bakti nagkaroon ng apoy sa isang security warehouse todits.

Mga luxury cars, big bikes, social goods, raw materials para sa EPZA Mactan et cetera, et cetera. Halo-halo ang mga goods sa bodega may seized goods, alerted goods at mga bagong arrived na imported goods. Sabi nga, goods for the gods.

Nakakaawang pagmasdan ang mga kamoteng owners ng mga goods dahil nag-iiyakan sila nang makita nilang nilalamon ng apoy ang kanilang mga epektos. Ika nga, huhuhu lang ang maririnig sa mga tsekwang owner ng goods.

Inatasan ni OIC Commissioner Balong Arevalo ang dalawa niya super cat este mali top brass officers pala para magsagawa ng masusing imbestigasyon regarding sa arson este mali fire pala. Kung ano ang naging report nina Deputy Commissioner Celso Templo at Director Nestorio Gualberto ay hindi pa alam ng mga kuwago ng ORA MISMO.

Ito pala ang unang pagkakataong sinunog o nasunog ang isang security warehouse sa Port of Cebu. Mukhang dehins maganda ang punsoy sa bagong itinalagang Customs Collector sa katauhan ni Atty. Lourdes Mangaong. Hindi naman siguro porke ang mga puerto na pinatakbo niya sa awa ng Diyos kumita sa revenue collection! Sayang ang dami sanang pitsa dito kung nagkataon.

Sandamakmak na government agencies ang hiningan ng tulong ni Balong andiyan ang NBI, Bureau of Fire Protection, CIDG, at iba pang James Bond Offices para gumawa ng imbestigasyon.

‘‘Hindi kaya sadyang sinunog ang mga ito para mapagtakpan ang mga pilferage goods at swing goods?’’ tanong ng kuwagong abnormal na kagawad ng Barangay.

‘‘Naku patay sila porke maraming ahensiya ng gobyerno ang mag-iimbestiga kung nagplano sila ng masama,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Malaking pitsa ang nadale todits sayang sa gobyerno pa naman ang pasok nito,’’ ang kuwagong Kotong cop.

‘‘Hintayin natin ang result ng imbestigasyon mga kamote!’’

Show comments