Mukhang kapa ni Arevalo ang mga kagaguhang nangyayari sa aduana kaya gusto niyang ipaabot sa mga kamoteng employees todits na gago din siya.
Siyanga pala, si Arevalo ay kasapi sa PMA Class 82, naging military aid ni dating Prez Fidel Ramos, sinasabing Westpointer, cum laude, naging bossing ng Special Action Force, may Master Degree sa Harvard University at Asian Institute of Management.
Napaganda ng mga nangyari sa buhay ni Balong pero ang tanong ng mga kuwago ng ORA MISMO, bakit sa Bureau of Customs, na isa sa mga corrupt agencies ng government siya nagtrabaho.
Anong meron dito, Sir? at apat na taon ka nang nagtatrabaho todits? Maganda ba sa bureau, Your Honor?
Nagbabala si Balong, tungkol sa tara system o protection money na laganap sa mga corrupt sa bureau na itigil na nila ang pangingikil dahil bilang na ang mga araw nila.
Sangkatutak kasi ang pinahihirapan ng mga gago sa bureau maging lihitimong negosyante ay nagigipit ng mga tekamots. Unti-unti na palang aalisan ng maskara ni Arevalo ang grupo ng Kamag-anak Incorporated!
Sana hindi maging ningas cogon ang gagawing pagbabaho este mali bago pala sa bureau. Utos ni Balong, bawal na palang kumain, umistambay, o gumawa ng pagpupulong, mga transaction ang mga tauhan niya sa bureau sa mga five star hotel at maluhong restaurant.
Bawal na ring magsuot o mag-display ng mga mamahaling alahas ang mga tauhan niya sa bureau.
Kasama siyempre rito ang pagsusuot ng mga mamahaling damit tulad ng Lacoste echetera.
Sana huwag pakitang-tao ang order ni Balong, anang kuwagong tirik kawali.
Sundalo ito kaya marunong siyang dumisiplina, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Abangan natin ang mangyayari sa bureau habang si Balong ang nakaupo tekamots.