Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Rep. Jayjay Romualdo ng Camiguin; Val Victa ng MBC; Eduardo Singchongco III; Col. James Brilliantes ng CPD; Miko Papa-Canosa; dating Rep. Rico Fajardo at dating Rep. Jose Mari Gonzales ng Mandaluyong City.
Ayon sa aking bubuwit, kapag natipuhan ng naturang negosyante ang isang babae ay talagang namumuhunan ito ng malaking halaga.
Gumagastos ng limpak-limpak na salapi mapaibig lamang ang chiching.
Kaya lang, sa edad ng nasabing businessman ay maaaring hindi na rin mapapaibig sa kanya ang isang babae maliban na lamang sa kanyang salapi.
Hindi naman guwapo pero hindi naman pangit si Mr. Businessman, kundi medyo may edad na nga lang.
Ayon sa aking bubuwit, nakilala ng food chain magnate ang nasabing bank employee dahil nagsa-sideline ang chiching sa insurance.
Sa kahahanap nito ng kliyente ay may nag-refer sa kanya sa naturang businessman.
Ayon sa aking bubuwit, nang makita ni Tsinoy businessman ang bank employee ay nagka-crush kaagad.
Pero, siyempre hindi kaagad ipinahalata at hindi rin kaagad kumuha ng insurance policy sa chiching.
Medyo nagpakipot muna ng konti ang negosyante kaya halos inaraw-araw naman ng bank employee ang pag-follow up sa kanyang offer.
Pero sa totoo lang ay gigil na pala si Tsinoy Businessman sa chiching dahil talagang maganda. Mestisahin at talagang mas maganda pa sa ibang mga artista diyan.
Siya ay isang Chinese mestiza, medyo mahaba ang buhok at mga 55 ang height.
Ayon sa aking bubuwit, kapag nakita mo ang chiching sisikip ang iyong pantalon.
Kaya pala matindi ang indecent proposal sa kanya ng food-chain magnate.
Isang milyong piso mapabagsak lamang ang Bataan.
Ayon sa aking bubuwit, ang food-chain magnate na nag-alok ng P1-milyon makapiling lamang ang magandang bank employee ay si
Naku, wala na pala akong espasyo sa susunod na labas na lang.