Kamaikailan lamang ay nakakumpiska ang wildlife protection officers ng DENR at mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police ng may 84 na ibat ibang wildlife species sa Arranque market sa Manila na itinuturing na highly endangered at highly regulated species tulad ng Palawan talking mynah, ibat ibang species ng parrots, lorries, cockatoo, harrier bird, sail fin at monitor lizards, arboreal snakes at iba pa.
Ayon sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources, Conservation and Protection Act mahigpit na ipinagbabawal ang illegal na pagbebenta o pagmamay-ari ng wildlife species.
Kaya hinihikayat namin ang mga pribadong nagmamay-ari ng mga wildlife animals na iparehistro ang mga wildlife species na nasa kanilang pangangalaga bilang pagtugon sa kampanya ng DENR na protektahan ang mga wildlife species.
Mahalagang malaman nating lahat na sa gawaing ito, natutugunan natin ang pangangalaga at napipigilan natin ang napipintong pagkaubos ng mga wildlife species. Maliban dito nakakatulong tayo upang magbigay ng dagdag kita para sa pamahalaan.