Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Bro. Atty. Biyong Garing, Judge Eutiquio Quitain, BIR Dir. Anthony Alden Aguilar, Glenn Dy ng MBC; Sis. Orpha Fabian at Bro. Arnel Cantos ng Noli Me Tangere Lodge.
Ayon sa aking bubuwit, matanda na ang naturang pulitiko subalit napakahilig pa rin sa chiching.
Mantakin nyo pati maid niya ay pinatos. Binuntis at inanakan niya ng dalawa.
May edad na rin ang misis ni Ex-mayor kaya siguro naghahanap ng kaligayahan sa ibang babae.
Menopause na ba si Misis, Mayor?
Hanep ka naman Ex-mayor, pati maid pinatos mo.
Kahit may asawa na ang babae, kapag natipuhan ay hindi nito tinatantanan hanggat hindi napapabagsak ang "Bataan".
Mantakin nyo naman kasi ang mga iniaalok ni Ex-mayor sa mga chiching. Nag-aalok ng monthly alimony at meron pang house and lot. Sa hirap nga naman ng buhay ngayon ay meron ding pumapayag. Katulad na lamang ng kanyang katulong na binuntis at inanakan ng dalawa.
Kaya lang ay talagang walang patawad si Ex-mayor. Pati ang kanyang sariling hipag ay gusto pang patusin.
Sinabihan ni Ex-mayor ang hipag na makipaghiwalay na lamang ito at siya na ang bahala sa kanya. Bibigyan niya ng suportang pinansyal at bibigyan pa ng bahay at lupa.
Kaya lang, hanggang sa ngayon ay hindi pa bumibigay ang hipag sa kanyang indecent proposal.
Ang bumigay kay Ex-mayor ay ang misis ng kanyang foreman. Maganda kasi ang misis ng foreman.
Dahil sa pangakong monthly alimony at house and lot, ang misis ng foreman ay nakipaghiwalay at iginarahe siya ng matulis na Ex-mayor.
Ayon sa aking bubuwit, ang ex-mayor sa Metro Manila na nambuntis ng kanyang katulong at nang-ahas sa misis ng kanyang foreman, subalit nabigo sa kanyang hipag ay si Siya ay doktor at dating mayor sa Metro Manila. Siya ay si Ex-Mayor P. as in Playboy.