Nag-file sila ng petisyon sa Supreme Court. Kinakastigo ang Court of Appeals sa pagpabor sa grupo ng pangulo ng POTC at Philcomsat na si Victor Africa. Ang tugon ng Korte sa kilometrikong petisyon ay isang one paragraph resolution lang. Dinidismis ang petisyon dahil sa kawalan ng ebidensya na ang kinukuwestyong CA decision ay mayroong grave abuse of discretion.
Tsk, tsk. Taon nang binibilang ng kaso, ayaw pa ring sumuko ang mga power grabbers. And we should only be concerned porke itoy mga kompanyang may sosyo ang gobyerno. Pera ng taumbayan ang pinag-uusapan. Ang pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon ng grupo ni Nieto ay matinding sampal sa kanilang mukha. Kaya dapat nang maglubay ang grupong ito na ang gusto lang yatay gawing gatasan ang pinupuntiryang kompanya.
Nauna rito, pinigil ng CA ang implementasyon ng Securities and Exchange Commission order na may petsang July 28, 2004 calling for the holding of stockholders meeting of POTC, Philcomsat and PHC, although the case in the SEC that led to the issuance of the order only involved the PHC.
Isang stockholder ang nagreklamo noon na ang PHC management sa pangunguna ni Nieto ay tumangging magpatawag ng meeting sa mga stockholders sa loob ng maraming taon. Nung Agosto 20, 2004, nagpalabas ng order ang SEC general counsel na si Vernette Umali-Paco na nagdedeklarang balido ang pulong ng POTC at Philcomsat na inorganisa ng Nieto group na di kasama ang mga incumbent board at management ng dalawang kompanyang pinamumunuan ni Africa.
Itinuloy ng Nieto group ang PHC stockholders meeting noong Agosto 30, 2004 sa kabila ng temporary restraining order ng CA na pumipigil sa naturang pulong. Nagpalabas din ang CA ng preliminary injunction na pumalit sa naturang 60-day TRO. Sa injuction, dinismis ng CA ang alegasyon ni Nieto that Africa engaged in forum shopping when he filed a petition against the CA order. Naka-pending pa sa Makati Regional Trial Court ang petisyon ni Africa na kumukuwestyon naman sa pagkakahalal ng grupo ni Nieto sa board at management ng PHC na 81 porsyentong pag-aari ng Philcomsat.