Si Tata Rene kasi ang handler ni Joel Talisain, ang isa sa kikil group na tumitira sa mga OFWs na gustong mag-aboard, este mali, abroad pala.
Walang mandate ang grupo ni Tata Rene pero pinahihirapan nila ang mga taong gustong mag-abroad para tulungan ang kanilang pamilya para guminhawa.
Tata Rene, kamote ka pala, hindi lahat ng kausap mo ay nagmamalasakit sa iyo kundi ang iba sa mga ito ay kaibigan ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya naman nalaman namin ang balak mo.
Tata Rene, sana noong aktibo ka sa serbisyo, ginamit mo ang tapang mo, bakit ngayon mo lang ito gagamitin.
Na-exposed kasi ang baho ng grupo ni Tata Rene kaya ito napikon sa mga kuwago ng ORA MISMO.
Akala siguro ni Tata Rene, natatakot ako sa banta niya porke dati siyang laos na militar.
Nag-aalaga kasi ng mga fixer at kikil gang si Tata Rene sa NAIA kaya binulabog ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang operasyon ng mga kamote.
Matagal na ako sa airport kaya ang mga taong nakapaligid sa iyo puwera ang mga kikil group mo ay kaibigan ko rin.
Ingatan mo ako Tata Rene, kapag may nangyaring masama sa Chief Kuwago, tiyak ikaw ang sasabit.
Kaya huwag mong aalisin ang mata mo sa Chief Kuwago dahil kapag nadapa ito, ikaw din ang ituturong pumatid.
"Bakit ba nagbabanta ang handler ni Joel Talisain sa Chief Kuwago?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Na-exposed kasi ang pangingikil ng mga kamote," sagot ng kuwagong Kotong cop.
"Nagalit si Tata Rene porke nabukong siya pala ang nag-aambisyon na sumulot sa puwesto ni retired General Angel Atutubo," sabi ng kuwagong urot.
"Ano ang magandang gawin ng Chief Kuwago regarding Tata Rene?"
"Isama ang pangalan nito sa Task Force Newsmen."
"Iyan kamote ang aabangan natin."